Dito maari mong I download ang aralin
Ang pagbuo ng pagkatao ay sinasabing siyang pinakamahalagang gawain na ipinagkatiwala sa sangkatauhan. Sa susunod na oras, ating sisiyasatin ang ating pribilehiyo at pananagutan upang maging katulad ni Kristo sa pagkatao. Samahan ninyo kami ngayon sa makapangyarihang panahon ng personal na pagbabago habang tayo ay ginagabayan ni Pastor Stephen Wallace “Mula sa Kaluwalhatian tungo sa Kaluwalhatian.”
Magandang gabi mga kaibigan, muli. Maligayang pagbabalik. Salamat sa inyong patuloy na pagsama. Muli, naubusan tayo ng oras, kaya’t kinakailangan nating magkaroon ng ikalawang bahagi para sa pag-aaral na may pamagat na “Ang Panginoon ang Ating Katuwiran.” {Jer 23:6} Hindi ko mapilit ang aking sarili na lampasan ang natitirang bahaging hindi pa natalakay. Kaya’t makiisa po sana kayo, at ipagpatuloy nating pagtuunan ng pansin ang mahahalagang katotohanan, ang mapangalagaang katotohanan na siyang mag-iingat sa atin mula sa mapanganib na bitag ng legalismo, pagmamatuwid sa sarili, na tayo bilang isang sambayanan ay lubhang madaling mahulog. Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. {Jn 8:32} Ngunit mga minamahal kong kaibigan, hindi natin mararanasan ang mapagpalayang kapangyarihan ng katotohanan maliban kung ating pag-aralan at tanggapin ito sa ilalim ng impluwensya ng Espiritu ng Katotohanan. Alamin po ninyo iyan. Ni hindi ko rin maihaharap nang wasto ang katotohanan kung wala ang tulong ng Espiritu ng Katotohanan. Kaya’t kailangan natin, gaya ng ating nakagawian, na simulan ang pag-aaral na ito sa ating mga tuhod, nananalangin para sa ating mga sarili at sa isa’t isa. Gawin po natin iyan?
Ama sa Langit, muli sa pangalan ni Hesus, ang Panginoon na aming Katuwiran, kami ay lumalapit sa Inyong presensya na lubos na nagpapasalamat sa Tagapamagitan. Gaya ng aming natutuhan, ang aming mga panalangin – kahit na ang mga udyok ng espiritu, pag-ibig ang dahilan – na dumadaan sa maruming daluyan ng pagkatao ay lubhang marumi na maliban kung dadalisayin ng dugo ay hindi kailanman matatanggap Ninyo. Kami ay lubos na nagpapasalamat, sa pagkilalang ito, na Inyo pong ipinagkaloob ang tungkulin at ministeryo ng pamamagitan ng aming Tagapagligtas, ang Inyong Anak na si Hesukristo. Panginoong Hesus pinasasalamatan Ka namin na tinatanggap Mo ang aming mga panalangin at diniridalisay Mo ang mga ito ng Inyong dugo, at idinaragdag Mo ang Inyong katuwiran sa mga ito. At ang mga ito ay umaabot sa Diyos na banal at lubos na katanggap-tanggap. At magagawa Niyang pagbigyan ang aming mga kahilingan dahil sa Inyong kabutihan, hindi sa amin. Dahil sa Inyong katuwiran, hindi sa amin. At Ama sa tiwala na nakikita Mo kami kung ano kami kay Kristo, at maaari Mo kaming tratuhin gaya ng nararapat sa Kanya, hinihiling namin na pagpalain Mo kami muli ng pagbubuhos ng Banal na Espiritu. Panginoong Diyos, alam Mo kung gaano ko lubhang kailangan ang Espiritung iyan. Hindi ko maaaring ipahayag ang katotohanan nang may kalinawan, katumpakan, kapangyarihan o kagandahan, maliban kung Kayo ay gumawa ng himala, at magpakumbabang gamitin ako, bagaman ako’y sisidlang-lupa lamang. Mangyaring angkinin Mo ako nang lubusan: katawan, isipan, at espiritu. Ako’y Inyo sa pamamagitan ng paglikha, ng pagtubos, at ng aking pagpili. Mayroon Kayong karapatang gamitin ako; idinadalangin ko lamang na nakikita Ninyong karapat-dapat gawin ito. At nawa’y gawin Ninyo akong Inyong tagapaghatid ng mensahe, dalangin ko. Hayaan Ninyong magsalita ako ng katotohanan sa Inyong ngalan, at tanging katotohanan lamang. At ang anumang masasabi Ninyo sa pamamagitan ko, nawa’y makatagpo ng mga handang puso at isipan, mga masunuring kalooban, upang ito’y magbago ng mga buhay. Ito ang aming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen.
Nakarating tayo sa tuktok ng pahina 33 sa ating huling pag-aaral. Nagbahagi tayo ng isang kapansin-pansing pahayag tungkol sa karumihan ng kahit na ang ating mga gawang pagtalima at pagsamba na binibigyang-kapangyarihan ng Espiritu at ang dahilan ay pag-ibig bilang mga tunay na mananampalataya. At ano ang tanging dahilan upang ang ating handog ay maging katanggap-tanggap? Ito ay ang paglilinis ng Tagapamagitan. Nililinis Niya ito ng Kanyang dugo at idinaragdag Niya ang Kanyang katuwiran dito. Pagkatapos, at sa ganoon lamang ito dumarating sa harap ng Diyos na katanggap-tanggap. Ngunit alamin po ninyo na ang paglilinis ay hindi ginagawa upang sa gayon ito ay maging karapat-dapat. Naririnig ko ba ang “amen”? {Amen} Ang paglilinis ay ginagawa upang sa gayon ito ay maging katanggap-tanggap bilang handog na pasasalamat. At iyan, umaasa ako, ay ating naitatag, bagaman kinailangan nating magmadali sa pagbabasa ng Biblikal na pagkakatulad ng katotohanang iyan sa Exodo 28. Tingnan nag talata 38.
Matapos banggitin ito, ang selyo na ito, ano ang nakaukit dito? KABANALAN SA PANGINOON At saan ito dapat isuot? Sa noo. Ano ang simbolismo at kahalagahan nito? Ito ay simbolo ng walang hangganang perpektong pagkatao ng Punong Saserdote, si Hesukristo. Naunawaan ba ninyo ito? At sa pagsusuot nito, ano ang kanyang magagawa? Talata 38: “Kaya’t ito’y ilalagay sa noo ni Aaron, upang mapasan ni Aaron ang kasamaan ng mga banal na bagay na itatalaga ng mga anak ni Israel sa lahat ng kanilang mga banal na handog.” Sa madaling salita, may bahagi ng kasalanan kahit sa ating mga pinababanal na handog na dapat harapin. At tanging kapag ito ay hinarap ng Punong Saserdote lamang ito ay tinatanggap. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi pa nito, “at ito’y laging nasa kanyang noo upang sila’y maging katanggap-tanggap sa harap ng PANGINOON.” Ano ang katanggap-tanggap? Ang mga banal na kaloob. Ngunit ang mga ito ay ginawang katanggap-tanggap dahil sa kabanalan ng ating Punong Saserdote. Malinaw ba iyan, mga kaibigan? Dalangin ko na iyan ay malinaw.
Muli ang pahayag na ating napansin kanina, ngunit nais kong banggitin ito sa kontekstong ito: Review and Herald Hunyo 16, 1896: “Sa pamamagitan ng mahiwagang plano ng pagtubos, ang biyaya ay ipinagkaloob, upang ang hindi perpektong gawa ng taong kinatawan ay maging katanggap-tanggap sa pangalan ni Hesus na ating Tagapagtanggol.” Naririnig ko ba ang “amen”? {Amen} Purihin ang Diyos para diyan kapatid. Lubhang pinasasaya nito ang puso ng taong ito sapagkat lubos kong nauunawaan na ang aking pinakamabuti, ang aking pinakamabuting may kapangyarihan ng espiritu at may dahilang pag-ibig, ay hindi perpekto at malayo sa kaganapan. Sumasang-ayon ba kayo sa akin diyan? At kung hindi ko alam na si Hesus ay naroroon, na nililinis ito ng Kanyang dugo at idinaragdag ang Kanyang katuwiran dito, wala akong pag-asang ito ay tatanggapin ng Diyos bilang handog ng pag-ibig, bilang handog na pasasalamat. Ngunit ako ay lubos na nagpapasalamat na Siya ay naroroon upang gawin itong katanggap-tanggap. Ngunit mga minamahal kong kaibigan, ang katotohanang iyan, at ang patuloy na pag-alaala nito, ay tiyak na mag-iingat sa atin mula sa banging ito ng legalismo, hindi ba?
Ngunit may isa pang katotohanan na kasing halaga na patuloy na isaisip, upang ilayo tayo sa banging ito ng murang biyaya, antinomianismo… at ano iyon? Review and Herald, Setyembre 3, 1901: “Hindi tatanggapin ng Diyos ang sinasadyang hindi perpektong paglilingkod.” Naku, narinig ba ninyo iyon? Kapag ginagawa natin ang ating pinakamabuti, ano ito? Hindi pa rin perpekto, ngunit tinatanggap ito ng Diyos. Ngunit tatanggapin ba Niya ito kung hindi natin ginawa ang ating pinakamabuti? Kung ito ay sinadyang hindi perpekto, maaari ba Niyang tanggapin ito? Hindi, hindi Niya maaari. Nakikita ba ninyo kung paano tayo iniingatan nito mula sa banging ito? Malinaw ba? Hindi tatanggapin ng Diyos ang sinasadyang hindi perpektong paglilingkod.
At pagkatapos, balik sa lubhang mahalagang katotohanan. Muli, Review and Herald Setyembre 3, 1901: “…ang katuwiran na walang kapintasan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng,” ano? “Ipinagkaloob na katuwiran ni Kristo.” Ang ipinagkaloob na katuwiran ni Kristo ay may kapintasan, sa pagdaan sa maruming daluyan ng pagkatao, ito ay nagkukulang. Kaya saan lamang tayo magkakaroon ng katuwiran na walang kapintasan? Sa pamamagitan ng ano? Ipinagkaloob na katuwiran ni Kristo. Ang ipinagkaloob na katuwiran ni Kristo.
O bumalik tayo sa ating paglalarawan ng araw at buwan. Kapag tayo, sa biyaya ng Diyos, dahil sa pag-ibig ni Kristo, sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ay naging kabilugang buwan, kapag tayo, sa madaling salita, ay namumuhay ayon sa lahat ng liwanag na mayroon tayo, at sinasalamin ito sa kabuuan ng ating kakayahan, tayo ba ay tinatanggap sa paningin ng Diyos batay sa mahinang repleksyong iyon? Hindi. Sa anong batayan tayo tinatanggap kung gayon? Sa batayan ng pagkalimim ng Araw ng Katuwiran. Naririnig ko ba ang “amen”? {Amen} Sa batayan ng ano? Pagkalimim ng Araw ng Katuwiran. Purihin ang Diyos, pinipili Niyang huwag tumingin sa mahinang repleksyon kahit ng mga kabilugang buwan. Pinipili Niyang tumingin sa Kanyang sariling ANAK, na kumakatawan sa atin sa Kanya. Amen? At ano ang Kanyang nakikita? Nakikita ba Niya ang ating mahinang repleksyon? Hindi. Ano ang Kanyang nakikita? Nakikita Niya ang liwanag ng Kanyang sariling kaluwalhatian na nagliliwanag kay Hesus, ang ating Kinatawan sa Kanyang harapan. Purihin ang Diyos, para sa ating Kinatawan. Naririnig ko ba ang “amen”? {Amen} Purihin ang Diyos kapatid, na mayroon tayong walang hangganang makatuwiran at maluwalhating Kinatawan sa harapan ng Ama.
2 Corinto 5:21: “Sapagkat ginawa Niyang kasalanan alang-alang sa atin ang hindi nakakilala ng kasalanan, upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos,” saan? “sa Kanya.” Ang katuwiran ng Diyos ay nasa Kanya lamang, doon lamang tayo magkakaroon ng walang hangganang katuwiran. Mahal ko ang pahayag na ito, Desire of Ages, pahina 357:Si Hesus na nagsasalita sa atin: “Kung paanong kinikilala ninyo Ako sa harap ng mga tao, kikilalanin Ko kayo sa harap ng Diyos… Ako ang magiging Kinatawan ninyo sa langit. Hindi nakikita ng Ama ang inyong pagkatao na may kapintasan, kundi nakikita Niya kayo na nadadamitan ng Aking kaganapan.” Mga minamahal kong kaibigan, iyan ay dapat magpasaya sa atin nang lubos. Dalangin ko na pinasasaya nito ang inyong puso. Mahal ko iyan. “Kung paanong kinikilala ninyo Ako sa harap ng mga tao, kikilalanin Ko kayo sa harap ng Ama. Ako ang magiging Kinatawan ninyo sa langit . Hindi nakikita ng Ama ang inyong pagkatao na may kapintasan, kundi nakikita Niya kayo na nadadamitan ng Aking kaganapan.” Ngunit pansinin po, pansinin na kung si Hesus ay magpapakatawan sa atin sa harap ng Ama, kailangan nating ipakatawan Siya sa harap ng mga tao. Nakarinig ba ako ng “amen”? Kung si Hesus ay kikilalanin tayo sa harap ng Ama, kailangan nating kilalanin Siya sa harap ng mga tao, iyan ang kasunduan. Pakinggan Siya: “Kung paanong, kung paanong kinikilala ninyo Ako sa harap ng mga tao, gayun din kikilalanin Ko kayo sa harap ng Ama.” {Mat 10:32}
Sa mga kaibigan, naantig akong magbahagi sa inyo ng isang bagay dito na hindi ko orihinal na binalak ibahagi. Buksan natin ang Apocalipsis, kapitulo 3. At nais kong mapansin ninyo ang isang napakahalagang bagay. Apocalipsis, kapitulo 3, ang mensahe sa Laodicea, talata 14 ay kung saan ito nagsisimula. “At sa anghel ng iglesya ng mga taga-Laodicea ay isualt mo, ang mga bagay na ito ang sinasabi ng Amen, ang Tapat at Tunay na Saksi, ang Pagsimula ng paglikha ng Diyos. Alam Ko ang inyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig ni mainit man. Ibig Ko sana na ikaw ay malamig o mainit. Kaya nga, sapagkat ikaw ay,” ano? “Malahininga, at hindi malamig ni mainit man, ikaw ay Aking ” ano? “Aking isusuka ka mula sa Aking bibig.” Ako ay ano? “Isusuka kita mula sa Aking bibig.” Ano ang Kanyang sinasabi doon? Mga minamahal kong kaibigan, sinasabi Niya na kung patuloy nating hindi wastong ipapakilala Siya, at mabibigong kilalanin Siya sa harapan ng mga tao, hindi na Niya magagawang ipakilala at kilalanin tayo sa harapan ng Ama. Ganyan Niya tayo isusuka mula sa Kanyang bibig. Mangyaring pansinin, sa kapitulo 3:5, kapag nagsasalita Siya sa Iglesya ng Sardis, ano ang Kanyang sinasabi? “Ang magtatagumpay ay madadamitan ng putting kasuotan, at hindi Ko buburahin ang kanyang pangalan sa Aklat ng Buhay; kundi Aking,” ano? “kikilalanin ang kanyang pangalan sa harap ng Aking Ama at sa harap ng Kanyang mga anghel” Bakit Niya magagawang kilalanin ang Iglesya ng Sardis? Sapagkat kinikiilala nila Siya. Ipinakikilala nila Siya, kaya’t magagawa Niyang ipakilala sila. Ngunit mga minamahal kong kaibigan, ang bagay na dapat magpaisip sa atin ay ang pag-unawa na tayo ay nabibigo sa wastong pagpapakilala at pagkilala sa Kanya gaya ng nararapat. At maliban kung tayo ay magbabago, ano ang kailangan Niyang gawin? Isuka tayo mula sa Kanyang bibig. Kailangan Niyang itigil ang pagkilala sa atin sa harapan ng Ama, at pagkatapos ay wala na tayong pag-asa. Naririnig ba ninyo ang ating sinasabi? Mangyaring, mangyaring, isaalang-alang ninyo iyan nang lubos at pag-isipan.
Balik sa ating pag-aaral. Habang kinikiilala natin Siya, kinikiilala Niya tayo. Habang ipinakikilala natin Siya, ipinakikilala Niya tayo. At pinipili ng Ama na tingnan tayo, hindi kung ano tayo sa ating mga sarili, kundi kung ano tayo sa Kanya. At tayo, bilang mga kabilugang buwan, ay lubos na nililiman ng “Araw.” Awit 84:11, “Sapagkat ang PANGINOONG Diyos ay araw at kalasag; ang PANGINOON ay magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian.” Biyaya at kaluwalhatian. Ipinagkakaloob Niya ang Kanyang kaluwalhatian sa atin sa harapan ng Ama, at ipinapamahagi Niya ang Kanyang kaluwalhatian sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Review and Herald, Hulyo 4, 1912: “Sa Kanya matatagpuan ang lahat ng kahusayan na kinakailangan para sa ganap na kasakdalan ng pagkatao.” Kailangan ba natin ng ganap na kasakdalan ng pagkatao? …upang matugunan ang ganap na pamantayan ng katuwiran? Oo, kailangan natin. Saan natin ito matatagpuan? Sa Kanya. Colosas 2:9 at sumunod: “Sapagkat sa Kanya nananahanan ang buong kapunuan ng pagka-Diyos,” paano? “sa katawan…” Ito ang dahilan kung bakit Siya ay may katuwiran ng Diyos. “…sa Kanya nananahanan ang buong kapunuan ng pagka-Diyos sa katawanl;…” Talata 10: “At kayo ay ganap,” saan? “…sa Kanya… na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at kapangyarihan.” Ngunit mangyaring pansinin, kung tayo ay ganap sa Kanya, kung gayon ay kumikilos Siya sa atin. At ano ang Kanyang ginagawa sa atin? Talata 11: “Sa Kanya kayo rin ay,” ano? “tinuli… sa pagtutuli na hindi gawa ng mga kamay, sa pamamagitan ng pagtatanggal ng katawan ng mga kasalanan ng laman, sa pamamagitan ng pagtutuli ni Kristo.”
Makiisa sa akin dito, mga minamahal kong kaibigan. Mangyaring unawain na ito ang tinatawag ng Bibliya na pagtutuli ng ano? Puso. Iyan ang espirituwal na pagtutuli. Ang sinaunang pagtutuli na ginagawa ng mga hinirang na tao ng Diyos ay isang tipo lamang nito. Dapat nating maranasan ngayon ang anti-tipikal na pagtutuli, na siyang pagtutuli ng ano? Ng puso. At ano ang pagtutuli ng puso? Ito ay ang pagputol sa larangan ng ating mga pag-iisip at damdamin pa nga, at lalo na… lahat ng ating pagkakabit sa mga pita ng laman. Naunawaan ba ninyo iyan? Iyan ang pagtutuli ng puso. Nakita ninyo, kung tayo ay nagtatago… Kung tayo ay ano? Nagtatago ng kasalanan… kahit na ito ay nasa larangan lamang ng ating pag-iisip, ating imahinasyon, ating pantasya, tayo ay kumakapit sa kasalanan. At kung tayo ay kumakapit sa, o nagtatago ng kasalanan, mga minamahal kong kaibigan, wala tayong lehitimong karapatan – pakinggan ninyo ako – na madamitan ng katuwiran ni Kristo.
Ngayon, ito ay isang mahalagang konsepto na dapat maintindihan. Kung tayo ay nagtatago ng kilalang kasalanan, kumakapit sa kilalang kasalanan, hindi tayo nasa ilalim ng Pagkapanginoon ni Kristo. At kung hindi tayo nasa ilalim ng Pagkapanginoon ni Kristo, hindi tayo nadadamitan ng katuwiran ni Kristo. Ngayon, kailangan kong linawin ito. At ito ang dahilan kung bakit hindi ko maaaring iksian ang pag-aaral na ito. Mangyaring makiisa sa akin dito.
Ang pagtutuli ng puso ay ginagawa ng Banal na Espiritu gamit ang lanseta ng tabak ng Espiritu, ang Salita ng Diyos. {Heb 4:12} At sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, tayo ay binibigyang kakayahan, dahil sa pag-ibig kay Kristo at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, na piliin na tumanggi sa pagbibigay-laya sa makasalanang mga pagnanasa, mga gana, at mga silakbo kahit sa larangan ng ating ano? Ating mga pag-iisip. Ito ang paglinang ng pagkatao. Sapagkat ano ang pagkatao? Ito ay ang ating mga pag-iisip at damdaming pinagsama. {5T 310.1}
Mga minamahal kong kaibigan, mangyaring unawain na ito ang ibig sabihin ng mabago sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pag-iisip. {Rom 12:2} Kailangan nating itigil, kahit sa larangan ng ating pag-iisip, ang pagbibigay-laya sa maling mga pagnanasa, at maling mga pag-iisip, at maling mga damdamin. Ito ang pagtutuli ng puso. At yaong mga ganap kay Kristo ay nasa proseso ng pagkatuli sa kanilang mga puso. At ito ay mahalaga, mga minamahal kong kaibigan, pakinggan ninyo ako… Ito ay mahalaga na ang prosesong ito ay makumpleto, sapagkat nakita ninyo, kung tayo ay kumakapit sa anumang kasalanan, kung tayo ay kumakapit sa anumang kasalanan, maaari at wawalaing-bisa nito ang kapangyarihan ng ebanghelyo sa ating mga buhay. Mangyari lamang, kailangan kong kausapin kayo nang diretso tungkol dito. Hindi kayo maaaring magtago ng kasalanan at magkaroon ng nakapagliligtas na relasyon kay Hesukristo. Sinasabi ko ito sa inyo dahil mahal ko kayo. Hindi kayo maaaring magtago ng kasalanan at magkaroon ng nakapagliligtas na relasyon kay Hesukristo, mga minamahal kong kaibigan. Kailangan ninyo, dahil sa pag-ibig kay Kristo, hayaan Siyang putulin ang inyong mga pagkakabit sa lahat ng kilalang kasalanan, mangyari lamang… mangyari lamang.
Mga Piling Mensahe, Tomo 1, pahina 213: “Walang kaligtasan ni kapahingahan ni pagaaring-ganap sa paglabag sa batas. Hindi maaaring umasa ang tao na tumayo na walang sala sa harap ng Diyos, at mapayapa sa Kanya sa pamamagitan ng mga merito ni Kristo, habang siya ay nagpapatuloy sa kasalanan. Kailangan niyang itigil ang paglabag, at maging tapat at totoo.” Naririnig ko ba ang “amen”? {Amen}
Tingnan ninyo, pumunta tayo sa Kasulatan tungkol dito, 1 Juan, kapitulo 3. At isulat ninyo iyan sa inyong kopya, kahit na wala ito roon. 1 Juan, kapitulo 3, at ating suriin ang talata 6. “Sinuman ang nanatili sa Kanya…” Sandali. Kung tayo ay aaring-ganap, nasaan dapat tayo? Kay Cristo, tama? At kung tayo ay patuloy na aaring-ganap, ano ang dapat nating gawin? Manatili kay Cristo; dapat tayong mamalagi kay Cristo. Nauunawaan ba ninyo ito? Ngayon, pakinggan ninyo kung ano ang kaugnay nito. “Ang sinumang nananatili sa Kanya ay hindi,” ano? “nagkakasala. Ang sinumang nagkakasala ay hindi pa nakakakita sa Kanya o nakakakilala sa Kanya.” Ngayon, pagpalain nawa ang inyong mga puso, ito ay isang bagay na napakahalagang maunawaan nang tama. Pakiusap, pakiusap, pakinggan ninyo ako tungkol dito. Ito ay napakahalaga upang maunawaan. Ibig bang sabihin nito na kapag tayo ay nadudulas at nahuhulog at nadadala at nagkakasala, hindi tayo nananatili kay Cristo? Pakiusap na maintindihan ninyo na sa Griyego, ang pandiwa na “magkasala” dito ay nasa pangkasalukuyang aktibong panahunan. Narinig ba ninyo ang sinabi ko? Iyan ay isang napakahalagang kaalaman. Sa Griyego, ang pandiwa dito, “magkasala,” ay nasa ano? Pangkasalukuyang aktibong panahunan. Sa madaling salita, ang sinasabi ng Apostol Juan ay ang sinumang nananatili kay Cristo ay hindi patuloy na nagkakasala. Hindi patuloy na kusang-loob na nagpapatuloy sa anumang kilalang kasalanan. Nauunawaan ba ninyo ito?
Ngunit ibig bang sabihin noon na hindi na tayo madadala, at madudulas at mahuhulog? Hindi. Mayroon bang probisyon para dito? Oo, mayroon. Bumalik tayo sa 1 Juan, kapitulo 1. 1 Juan kapitulo 1:8: “Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, Siya ay,” ano? “Tapat at matuwid upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo sa lahat ng kalikuan.” At kapitulo 2:1: “Mga minamahal kong anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, upang kayo ay hindi magkasala.” Ngayon, sa Griyego, ito ay nasa tinatawag nating panahunan na aorist. At ang panahunan na aorist ay punctilliar; nangyayari sa isang sandali ng panahon. Hindi ito ang patuloy, tuloy-tuloy na pagkakasala tulad ng pangkasalukuyang aktibo. Ito ay ang pagkakadala at pagkakadulas at pagkakahulog dahil sa kakulangan ng pagbabantay at panalangin.
Purihin ang Diyos na kung tayo ay nagkakasala, kung tayo ay nadadala at nahuhulog, mayroon tayong ano? “…mayroon tayong Tagapamagitan sa Ama si Hesukristo ang matuwid.” Amen? “At Siya mismo ang pantubos para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin kundi maging sa buong sanlibutan”. Ngunit nais kong makita mo ang pagkakaiba doon at sa kasamaang-palad sa wikang Ingles, ang pagkakaibang iyon ay natatakpan, sapagkat ang parehong panahunan ng aorist para sa kasalanan at ang kasalukuyang aktibong panahunan para sa kasalanan ay isinalin bilang ano? Kasalanan… kasalanan. Ngunit mangyaring malaman na ang hindi natin ginagawa, balik sa kapitulo 3:6…Kung tayo ay nasa kay Cristo, kung tayo ay nananatili kay Cristo, ano ang hindi natin ginagawa? Patuloy na ano? Pagkakasala. Malinaw ba? “Ang sinumang nananatili sa Kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Ang sinumang nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi nakakita sa Kanya ni nakakilala sa Kanya.” Iyan din ay nasa kasalukuyang aktibong panahunan. Iyan ay tinatawag na kasalukuyang aktibong pandiwari. Ngunit malinaw na ipinapahiwatig nito ang patuloy, tuluy-tuloy na katangian ng paglabag. Ang tunay na Kristiyano ay hindi gumagawa nito. Nakikita mo, kung patuloy tayong nagpapahalaga kahit sa isang kilalang kasalanan, kung gayon ay wala tayo sa ilalim ng pagkapanginoon ni Jesucristo, at ang kasalanan ay naghahari pa rin. At mga kaibigan ko, walang taong makapaglilingkod sa, ano? Dalawang panginoon. {Mat 6:24} Samakatuwid, kung pinipili nating maghari ang kasalanan, sino ang tinatanggihan nating maghari? Si Jesucristo. Hindi Siya ang ating Panginoon, at kung Hindi Siya ang ating Panginoon, mangyaring malaman, na Hindi Siya maaaring maging ating katuwiran. Bakit? Iyan ang nagdadala sa atin sa pamagat ng ating pag-aaral.
Ano ang Kanyang pangalan? “Ang Panginoon na ating Katuwiran.” Amen? {Amen} Pag-isipan natin ang pangalang iyon. Ito ay matatagpuan sa Jeremias 23:6… Jeremias 23:6: “Sa Kanyang mga araw ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay maninirahan ng ligtas; ngayon ito ang Kanyang pangalan na itatawag sa Kanya:” Ano ito, klase? “ANG PANGINOON NA ATING KATUWIRAN.” Ah, mangyaring, mangyaring unawain ang malalim na kahalagahan ng pangalang iyan. Mangyaring kilalanin ang dalawang bahagi ng pangalang iyan, at higit sa lahat, unawain na ang mga ito ay hindi mapaghihiwalay. Ano ang dalawang bahagi? Siya ang Panginoon at Siya ang ating katuwiran. Bilang ating katuwiran, Kanyang inaring-ganap tayo. Bilang ating Panginoon, ano ang Kanyang ginagawa? Pinababanal Niya tayo. May maririnig ba akong “amen”? {Amen}
Sa pagpapahintulot natin sa Kanya na maghari sa ating mga puso sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu, ibinibigay Niya sa atin ang Kanyang kapangyarihan upang magtagumpay laban sa kasalanan. Amen? {Amen} Tinuli Niya ang ating mga puso, at maging sa larangan ng ating buhay-pag-iisip, nagtatamo tayo ng tagumpay laban sa tukso. At iyan, kung saan naroon ang tagumpay… …dapat makamit. Ito ay nasa pagitan ng kanang at kaliwang tainga… mas marami pa tungkol dito mamaya. Ngunit sa ilalim ng pagkapanginoon ni Cristo, Siya ay may kakayahang magbanal sa atin at bigyan tayo ng tagumpay laban sa kasalanan. At para sa mga nakakikilala sa Kanya bilang Panginoon, maaari nilang angkinin Siya bilang kanilang katuwiran. Naiintindihan ba ninyo ito?
Ngunit tinatanong ko kayo, at mga minamahal na kaibigan, dito sa kanal ng murang biyaya… Sige… Nakikita ninyo, ito ang nais gawin ng mga antinomiano. Nais nilang angkinin Siya bilang kanilang katuwiran, ngunit ayaw nilang maabala sa pagpapasakop sa Kanyang pagkapanginoon. Iyan ay tinatawag na murang biyaya. Nais nilang magpatuloy sa pagpapahintulot na maghari ang kasalanan, ngunit patuloy na kumbinsihin ang kanilang sarili na sila ay ano? Matuwid sa paningin ng Diyos. Magagawa ba ninyo iyan? Mahahati ba ninyo si Cristo? Masasabi ba ninyo, “Hoy pakinggan mo, interesado ako na maging katuwiran kita, ngunit huwag mo akong abalain sa Iyong pagkapanginoon, huwag mo akong pilitin na sundin Ka.” Magagawa ba ninyo iyan? Hindi, hindi ninyo magagawa; ito ay isang buo. May maririnig ba akong “amen”? Nauunawaan ba ninyo lahat ito? Medyo tahimik kayo ngayong gabi, pagpalain ang inyong mga puso, kailangan ko ng kaunting tugon. Kung si Jesus ay magiging ating katuwiran, dapat din Siyang maging ating ano? Ating Panginoon; huwag ninyong lokohin ang inyong mga sarili sa bagay na ito. Mangyaring huwag maglaro sa inyong sarili sa bagay na ito. At pagpalain ang inyong mga puso, maraming Seventh-day Adventist ang nasa kanal ng pagka-matuwid sa sarili, ngunit mayroon ding maraming Seventh-day Adventist na nasa kanal ng murang biyaya. At mayroon silang masamang pag-unawa sa ebanghelyo na nagpaloko sa kanila na mag-isip na maaari silang magpatuloy sa pagkakasala at maging matuwid sa paningin ng Diyos. Mga minamahal kong kaibigan, hindi iyan gumagana nang ganyan. Naririto ako upang igiit na hindi iyan gumagana nang ganyan. Kung si Jesus ay magiging ating katuwiran, Siya ay magiging ating Panginoon.
Komentaryo sa Bibliya, Tomo 7, pahina 931: “Si Kristo ay may kakayahang magligtas ng lubos sa lahat ng mga lumalapit sa Kanya nang may pananampalataya. Kanyang lilinisin sila mula sa lahat ng karumihan kung hahayaan nila Siya.” Naririnig ko ba ang “amen”? {Amen} Lilinisin Niya tayo mula sa ano? Lahat ng karumihan, kung hahayaan natin Siya. Magpatuloy sa pagbabasa: “Ngunit kung kakapit sila sa kanilang mga kasalanan, hindi sila maaaring maligtas; sapagkat ang katuwiran ni Kristo ay hindi tumatakip sa anumang kasalanang hindi pinagsisihan.” Taimtim, mapagpigil na katotohanan, ngunit sa harap ng Diyos, ako ay napipilitang ibahagi ito sa inyo, mga minamahal kong kaibigan. Mangyaring huwag ninyo akong kagalitan sa paggawa nito. Masyadong malaki ang pagmamahal ko sa inyo para iwan kayo sa dilim sa bagay na ito. Kung kakapit tayo sa ating mga kasalanan, hindi tayo maaaring maligtas, sapagkat ang katuwiran ni Cristo ay tumatakip sa ano? Walang kasalanang hindi pinagsisisihan at hindi tinalikuran. Magkakasama ba tayong lahat sa bagay na ito?
Mga Aral ni Kristo, pahina 316: “Ang katuwiran ni Kristo ay hindi tatakip sa kahit isang pinahahalagahang kasalanan.” Malinaw ba? “Hindi nito tatakpan kahit isa,” anong uri ng kasalanan? “pinahahalagahang kasalanan.” Ang isa na alam mo, ngunit pinipili mong kabitin at tumangging isuko. Purihin ang Diyos para sa pangako ng Judas 24 at 25. “Ngayon sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod…” Ang King James ay nagsasabing “pagkahulog.” Nakikita mo, ang magandang bagay tungkol sa pagkapanginoon ni Cristo sa pamamagitan ng Kanyang nananahan, nagpapalakas, nagpaparangal, nagbibigay-lakas na espiritu ay hindi lamang Niya tayo pagaganahin na tumigil sa pagkakasala, gaya ng patuloy, kundi may kakayahan din Siyang ingatan tayo mula sa ano? Pagkahulog, at pagkatisod, at pagkagulat. May maririnig ba akong “amen”? {Amen} Purihin ang Diyos para sa ganitong uri ng tulong, kapatid na lalaki, kapatid na babae. “Ngayon sa Kanya na may kakayahang mag-ingat sa inyo mula sa pagkatisod, pagkahulog, at iharap kayong walang kapintasan sa harapan ng Kanyang kaluwalhatian na may labis na kagalakan.” Sino ang may kakayahang iharap tayong walang kapintasan? Si Jesucristo.. “…sa Diyos na ating Tagapagligtas, na Siyang tanging marunong, sumakanya nawa ang kaluwalhatian at kamahalan, kapangyarihan at kapamahalaan, ngayon at magpakailanman. Amen.” Mahal ko ang panalanging iyan… Mahal ko ang panalanging iyan.
Nais kong dalhin kayo sa isa pang teksto na nagpoprotekta sa atin, tulad ng ginagawa ng pangalang “ang Panginoon na ating Katuwiran,” at iniingatan tayo mula sa dalawang kanal at sa makitid at matuwid na daan. May isa pang teksto; makikita ninyo ito sa itaas ng pahina 34. Ito ay Hebreo kapitulo 10:14. At hinihikayat ko kayong buksan ang inyong mga Bibliya sa talatang iyon, at salungguhitan ito kung hindi pa ito nasasalungguhitan. Ito ay isang malalim na makabuluhan at mapangangang katotohanan. Hebreo kapitulo 10:14: Mula sa New King James ganito ang tunog: “Sapagkat sa pamamagitan ng isang handog,” Tumigil. Sino ang pinag-uusapan natin? Si Jesucristo, ang Kanyang dugo, ang Kanyang buhay na kapalit na nagtapos sa Kanyang kamatayan bilang handog. Iyan ang isang handog. Kasama ba ninyo ako? “Sapagkat sa pamamagitan ng isang handog ginawa Niyang perpekto magpakailanman,” gaano katagal? “magpakailanman…” Pag-isipan ninyo iyan kasama ko ngayon. “Sapagkat sa pamamagitan ng isang handog, ginawa Niyang perpekto,” gaano katagal? “magpakailanman.” Ano ang nagperpekto sa atin sa mga mata ng Diyos… sa walang hanggang mga panahon ng kawalang-hanggan, sa ganap na kahulugan ng kasakdalan? Ito ang ipinaparatang na katuwiran ni Jesucristo.
Nakita ninyo, gaano kaperpekto ang kasakdalan ng pagkatao ni Jesus na ipinaparatang sa atin? Gaano ito kaperpekto? Ito ay walang hanggang perpekto. Ito ay ano? Ito ay walang hanggang perpekto. Gaano katagal tayo lalago patungo sa walang hanggang perpektong kasakdalan ng pagkatao? Gaano katagal? Magpakailanman. At gayunpaman sa walang hanggang mga panahon ng kawalang-hanggan, ibibilang tayo ng Diyos, sa pamamagitan ng ipinaparatang na katuwiran ni Cristo, na maging ano? Walang hanggang perpekto. Hindi lamang perpekto, kundi gaano kaperpekto? Walang hanggang perpekto. Mangyaring unawain ito. Nakita ninyo, ito ang ipinaparatang na katuwiran ni Cristo na nagpapataas sa atin sa halaga ng moral na kahalagahan sa Diyos, kapatid na lalaki, kapatid na babae! Narinig ba ninyo ang sinabi ko sa inyo? {Amen} Ito ang nagpapaging hari at saserdote sa atin, mga anak na lalaki at babae kasama ng Diyos sa harap ng buong sansinukob sa walang hanggang mga panahon ng kawalang-hanggan. Ito ang ipinaparatang, walang hanggang kasakdalan, katuwiran ng Diyos na natanggap natin nang dumating tayo sa paanan ng krus, at tinanggap Siya bilang ating personal na Tagapagligtas.
Makinig. Sa Mga Lugar sa Kalangitan, aklat ng pagsubaybay sa umaga, pahina 39. “Siya na hindi nakakilala ng kasalanan ay naging kasalanan para sa lahi upang ang Kanyang katuwiran ay maging,” ano? “iparatang sa tao.” “Sa pamamagitan ng kasakdalan ng pagkatao ni Kristo, ang tao ay itinaas sa antas ng moral na halaga,” kanino? “…sa Diyos; at sa pamamagitan ng mga merito ni Kristo, ang may hangganang tao ay naiugnay sa Walang Hanggan.” Pag-isipan iyan. Dapat kayong makilig hanggang sa kaibuturan ng inyong pagkatao. At mga minamahal kong kaibigan ang kasakdalan ng pagkataong iyan ay tatakip sa atin gaano katagal? Magpakailanman… magpakailanman… wow! Iyon ang walang hanggang kasakdalan ng pagkatao na nagpapataas sa atin sa halaga ng moral na kahalagahan sa Diyos, sa harap ng buong sansinukob sa walang hanggang mga panahon ng kawalang-hanggan. Iyan ay isang walang hanggang mahalagang at walang hanggang katuwiran.
Gaano katagal tayo makakayang lumago tungo sa pagkakatulad ng pagkataong iyan? Makinig. Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos, pahina 327: “Kayo nga ay maging perpekto, gaya ng inyong Ama na nasa langit ay perpekto.” Iyan ang hinihingi ng kautusan, naaalala ninyo? Magpatuloy sa pagbabasa: “Dapat na ito ang ating gawain sa buhay na patuloy na umabot sa kasakdalan ng Kristyanong pagkatao, patuloy na nagsisikap para sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.” Ngayon pakinggan ang susunod na kahanga-hangang pangungusap. “Ang pagsisikap na sinimulan dito ay magpapatuloy hanggang sa kawalang-hanggan.” Narinig ba ninyo iyan? “Ang mga pagsisikap na sinimulan dito ay magpapatuloy,” gaano katagal? “hanggang sa kawalang-hanggan.” “Ang pag-unlad na nagawa dito ay magiging ating pag-aari kapag tayo ay pumasok sa buhay na darating.” Ah, pag-isipan ninyo iyan!
Nakita ninyo, mga kaibigan, muli, gaano katagal mong maaaring lapitan ang walang hanggan bago ka makarating? Gaano katagal? Magpakailanman… magpakailanman. At gayunpaman, sa buong panahon ibibilang tayo ng Diyos na ano? Walang hanggang perpekto, kasing perpekto ng Kanyang sariling Anak. Sa napaka-tunay na kahulugan kung gayon, tayo ay lalago sa kung ano ang ibinibilang sa atin ng Diyos sa walang hanggang mga panahon ng kawalang-hanggan. Nauunawaan ba ninyo ang sinisikap kong ipahayag sa inyo?
Maaari ba akong makakuha ng tugon? Tumango ang mga ulo, kahit ano. Ang ilan sa inyo ay nagbibigay sa akin ng titig na parang sa TV, at kinatatakutan ko ito. Alam ninyo ang titig na parang sa TV, hindi ba? Ito ay… Nakatingin kayo mismo sa akin ngunit walang gaanong katibayan ng aktibidad sa pag-iisip, at nag-aalala ako… nag-aalala ako.
Ito ay mga kapana-panabik na mga katotohanan, aking kapatid na lalaki, aking kapatid na babae. Ito ay mga nakakikilig na katotohanan, at dapat tayong makilig hanggang sa kaibuturan ng ating pagkatao. Ngunit mangyaring pansinin ang huling pangungusap bago tayo magpatuloy dito. “Ang pag-unlad na nagawa dito ay magiging ating pag-aari kapag tayo ay pumasok sa buhay na darating.” Magkakaroon ba tayo ng iba’t ibang punto ng pagsisimula kung gayon, kapag tayo ay… kapag tayo ay naluwalhati at makarating sa langit? Magkakaroon ba tayo ng iba’t ibang punto ng pagsisimula? Oo, magkakaroon tayo. Sino ang magtatalaga ng punto ng pagsisimula na mayroon tayo? Ang ating mga sarili… ang ating mga sarili. Dadalhin natin sa langit ang ating ano? Ang ating pagkatao; iyan lang ang dadalhin natin. At habang mas hinog at maunlad at katulad ni Cristo ang pagkataong iyon, tayo ay magkakaroon ng kalamangan sa antas na iyon at makakayang lumipad mula sa puntong iyon sa kawalang-hanggan tungo sa walang hanggang maluwalhating pagkatao ng Diyos. Iyan ang isa pang dahilan upang magpatuloy tungo sa layunin dito at ngayon, amen?
Nakita ninyo, ang Apostol Pablo at ang magnanakaw sa krus ay kapwa mapupunta sa langit, tama? Ngunit ang punto ng pagsisimula ng Apostol Pablo ay magiging iba kaysa sa punto ng pagsisimula ng magnanakaw sa krus, tama? Ang punto ng pagsisimula ng magnanakaw… malaking pagkakaiba. Mapupunta ba sa langit ang magnanakaw sa krus? Oo. Talaga? Oo, mapupunta siya. Sinabi ni Jesus: “Sinasabi Ko sa iyo ngayon, ikaw ay makakasama Ko sa paraiso.” {Lucas 23:43}
Sandali lang. Para makapunta sa paraiso, hindi lamang tayo dapat magkaroon ng titulo, dapat tayong magkaroon ng kakayahan. Nagkaroon ba ng kakayahan ang magnanakaw? Talagang nagkaroon siya. Ano ang kanyang kakayahan? Namumuhay siya ayon sa lahat ng liwanag na mayroon siya, at sa kabuuan ng kanyang kakayahan, sinasalamin niya ang liwanag na iyon. Tama? Para sa pag-ibig ni Cristo. Iyan ang ating kakayahan… iyan ang ating kakayahan. At dahil ang kanyang buhay ay natapos sa puntong iyon, hindi na siya makakalago pa. Ngunit ipinangangako ko sa inyo, kung siya ay nakayang bumaba mula sa krus, siya, para sa pag-ibig ni Cristo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay lalago mula sa ano? Kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. At gagawa siya ng pagbabayad-pinsala para sa mga bagay na ninakaw niya, at babaguhin niya ang kanyang pagkatao. Ngunit ipinangangako ko sa inyo na nagkaroon siya ng kakayahan. Walang taong mapupunta sa langit nang walang kakayahan.
“Kung walang kabanalan,” ano? “walang taong makakakita sa Diyos.” {Hebreo 12:14} At ano ang kabanalan? Ang kabanalan ay kabuuan para sa Diyos. Ito ang pagiging ganap, para sa pag-ibig ni Cristo, na nagpapasakop sa Kanyang pagkapanginoon. At ang magnanakaw ay nagpasakop. Sa katunayan siya lamang ang tumawag kay Jesus na “Panginoon” sa krus. Walang sinuman, kahit ang Kanyang mga alagad, ang tumawag sa Kanya na “Panginoon.” Ngunit tinawag Siya ng magnanakaw na “Panginoon.” Ano ang sinabi niya? “Panginoon, alalahanin Mo ako kapag pumasok Ka sa Iyong Kaharian.” {Lucas 23:42} Kinilala niya si Jesus bilang kanyang ano? Panginoon. At iyan ang dahilan kung bakit si Jesus ang kanyang katuwiran. At iyan ang dahilan kung bakit siya ay may kakayahan at titulo sa langit. Malinaw ba iyan sa atin?
Ngayon ang magnanakaw, gayunpaman, kapag nakarating siya sa langit, ay magkakaroon ng napaka-napakahina na pagkatao, hindi ba? At sa walang hanggan siya ay magiging napakalayo, sa malaking antas, sa Apostol Pablo. Ngunit tinitiyak ko sa inyo, sila ay kapwa magiging masayang mananakay doon. Nauunawaan ba ninyo ang sinisikap nating ipaliwanag dito? At sila ay lalago mula sa puntong iyon, gaano katagal? Magpakailanman… tungo sa walang hanggang maluwalhating kasakdalan ng pagkatao ng Diyos na ipinaparatang sa kanila sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Ah, dalangin ko na iyan ay malinaw.
Ngayon, balik sa ating teksto: Hebreo 10:14, Hebreo 10:14; Nais kong tunay na tunay na dalhin sa tahanan ang susing punto na ito. Mangyaring huwag itong palampasin. Sino, mga minamahal kong kaibigan, ang perpekto magpakailanman sa pamamagitan ng isang handog? Sino ito? Yaong mga PINABABANAL, at pagpalain ang inyong mga puso, kung mayroon kayong King James, ilabas ito at gawin ang pabor sa inyong sarili, sige? Ang King James ay nagsasabi, “yaong mga pinabanal.” At sa kasamaang-palad hindi ito gumagawa ng katarungan sa orihinal na wika. Anong panahunan ng pandiwa sa inyong palagay ang nasa Griyego ang pandiwang “pinabanal”? Ang kasalukuyang aktibo. At pamilyar na kayo sa kasalukuyang aktibong panahunan ngayon, hindi ba? Ano ang ibig sabihin ng kasalukuyang aktibong panahunan sa Griyego? Patuloy, tuluy-tuloy na aksyon, anuman iyon. Iyan ang dahilan kung bakit mas malapit sa Griyego na sabihin, “pinababanal.” Iyan ay nagpapahiwatig, kahit papaano, na ito ay isang patuloy na proseso, tama? Ang Griyego ay mas malakas pa diyan. Ang Griyego ay literal na nagsasabi, “Sapagkat sa pamamagitan ng isang handog ginawa Niyang perpekto magpakailanman yaong mga patuloy na nasa proseso ng pagpapabanal.” {Heb 10:14} Iyan ang ipinapahiwatig ng Griyego. May katuturan ba iyan sa inyo? Ngayon mangyari, mangyaring makita kung paano ang pagpapabanal, at pag-aaring ganap ay ganap na ano? Hindi mapaghihiwalay, sila ay magkakaugnay. Nakikita ba ninyo kung paano iyan gumagana? Sino ang perpekto magpakailanman sa pamamagitan ng isang handog? Kahit sino lang ba? Hindi. Sino? Yaong mga ano? Pinababanal. Yaong mga patuloy na nasa proseso ng ano? Pagpapabanal.
Nakita ninyo, ito ang dahilan, mga minamahal kong kaibigan, kung bakit tayo bilang isang bayan ay hindi naniniwala sa minsan na ligtas, laging ligtas. Hindi tayo naniniwala dito dahil hindi ito Biblikal. Ito ay lubos na hindi Biblikal. Kapag tayo ay lumapit sa krus at tinanggap ang pagkapanginoon ni Cristo, sa pamamagitan ng pananampalataya, tinatanggap natin Siya bilang ating Tagapagligtas, at isinusuko ang ating kalooban sa Kanya nang walang pag-aalinlangan, Siya ay nagiging ating katuwiran, tama? Siya ay nagiging ating katuwiran. At Siya ay mananatiling ating katuwiran hangga’t pinipili nating manatili sa ilalim ng Kanyang pagkapanginoon. Ngunit mayroon ba tayong pagpipilian sa anumang punto na tanggihan ang Kanyang pagkapanginoon? Mayroon ba tayo? Malaya ba tayong gawin iyan? Talagang mayroon. At nakalulungkot, maraming tao ang gumagawa nito. Alam ninyo, mayroon silang unang pag-ibig at nais nilang bigyang-lugod si Cristo, alam ninyo… sila ay umuunlad, at pagkatapos ay natutuklasan nila ang ilang pinahahalagahang kasalanan na nais ni Cristo na bitiwan nila. At ano ang napagpapasyahan nilang gawin? Hawakan ito. At sinasabi nila, “Panginoon, Alam mo, huwag Mo akong pilitin na isuko ito. Pakiusap… Nais ko ito.” At anong pagpili ang ginawa nila, mga kaibigan ko, anong pagpili ang ginawa nila? Pinili nilang maghari ang kasalanan. At sa pagpili na maghari ang kasalanan, pinili nilang alisin sa trono ang sino? Si Jesucristo. Walang taong makapaglilingkod sa dalawang panginoon. {Mat 6:24} At mga minamahal kong kaibigan, kung tayo ay lubos na nagpupumilit at nagpipilit na maghari ang kasalanan, kalaunan ay mawawala natin ang katuwiran ni Jesucristo. Siya ang una sa pagdating at ang huli sa pag-alis. At Siya ay mapagpahinuhod at mapagpasensya. Ngunit kung tayo ay lubos na nagpipilit na kumapit sa kasalanan, kung gayon ay mawawala natin ang ating nakapagliligtas na relasyon sa Kanya. Mangyaring malaman iyan. Malinaw ba ito sa ating lahat? Mangyaring malaman iyan. At dahil tayo ay malaya na gawin ito sa anumang punto sa ating paglalakbay, habang tayo ay nagpapatuloy tungo sa layunin, sa anumang punto ay maaari nating sabihin: “Hindi, ayaw kong bitiwan iyan, ayaw kong isuko iyan.” Sa anumang punto, maaari nating mawala ang katuwiran ni Cristo sa pamamagitan ng pagtanggi sa pagkapanginoon ni Cristo. Maaari nating piliin na hindi magpatuloy sa pagpapabanal, at kung tumatanggi tayong mapasailalim sa proseso ng pagpapabanal, ano ang ating mawawala? Ang pagiging perpekto magpakailanman sa pamamagitan ng isang handog. Malinaw ba iyan sa inyo? Sapagkat sa pamamagitan ng isang handog ginawa Niyang perpekto magpakailanman. Sino? Sino? Yaong mga pinababanal… pinababanal.
Ah, mga minamahal kong kaibigan, nais kong hikayatin kayo nang buong puso ko, para sa pag-ibig ni Cristo, na magpasyang manatili sa ilalim ng Kanyang pagkapanginoon, at sa gayon ay mabanal. At nais kong tiyakin sa inyo, mangyaring pakinggan ako… mangyaring pakinggan ako. Nais kong tiyakin sa inyo na habang ginagawa ninyo ito, makakaranas kayo ng mas malaking kalusugan at kaligayahan, at kagalingan, at kapayapaan, at kagalakan kaysa sa inyo pinangarap na posible. Nakikita ninyo mga kaibigan ko, ito ay talagang dahil mahal tayo ni Jesus kaya hindi Siya handang basta ituring tayong matuwid, kundi determinadong gawin din tayong banal. Dahil ang ating kaligayahan, tandaan, ay matatagpuan sa kabanalan.
Ako ay lubos na nagpapasalamat para sa isang Panginoon na sapat ang pagmamahal sa akin hindi lamang para palayain ako mula sa kahatulan ng kasalanan, kundi para palayain din ako mula sa kontrol ng kasalanan. May maririnig ba akong “amen”? {Amen} Ako ay lubos na nagpapasalamat na ang plano ng kaligtasan ay ginagawang posible, hindi lamang para ako ay mapalaya mula sa parusa ng kasalanan, kundi mapalaya rin mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Amen? {Amen} Ito ay dalawahang probisyon, ang dugo at ang tubig. Ang dugo ay nagpapalaya sa iyo mula sa kahatulan at parusa, ang tubig ay nagpapalaya sa iyo mula sa kontrol at kapangyarihan. Amen?
O, mga minamahal kong kaibigan, kung tayo ay kumakapit sa kasalanan, hindi lamang tayo magdurusa dito at ngayon, kundi tayo ay magdurusa nang malubha sa araw ng paghuhukom at huling hatol. Mangyaring huwag gawin ang pagpiling iyan. Bakit tayo madaling kumapit sa kasalanan? Dahil sa mga kasiyahan nito. May kasiyahan ba ang kasalanan? Syempre meron; sinasabi ng Bibliya ang tungkol sa mga kasiyahan ng kasalanan. {Heb 11:25} Ngunit mas mabuting paniwalaan ninyo na ang mga ito ay panandalian lamang… Naririnig ba ninyo ako, mga minamahal kong kaibigan? …at ito ay napakaikli, lalo na kung ihahambing sa kawalang-hanggan.
Ngunit ang problema sa mga kasiyahan ng kasalanan ay hindi lamang sila maikli, kundi sila ay napakanakakapanghina. Makukuha mo ang iyong kasiyahan, ngunit ikaw ay laging mas masama pagkatapos mong makuha ito. Naririnig ba ninyo ang sinasabi ko sa inyo? Diretso akong nakikipag-usap sa inyo, mga minamahal kong kaibigan. Mangyaring huwag pahalagahan ang kasalanan. Mangyaring malaman na ang mga kasiyahan magpakailanman {Awit 16:11} sa kanang kamay ng trono ng Diyos ay walang hanggang, walang hanggang mas kasiya-siya kaysa sa mga kasiyahan ng kasalanan sa isang panahon. Huwag, huwag ipagbili ang inyong pagkapanganay para sa isang mangkok ng pagkain, pakiusap. {Heb 12:16} Pakiusap huwag!
Para sa pag-ibig ni Cristo, hayaan Siyang pumasok sa inyong puso sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at tuliin ito, ihiwalay ito mula sa lahat ng mga pagkakaugnay sa anumang kilalang kasalanan. Iyan ang pag-aaralan natin habang nagpapatuloy tayo sa seminar na ito. Kung paano gawin… Kung paano makipagtulungan sa Banal na Espiritu sa pagtutuli ng puso. Babalik kayo, hindi ba? Hindi ba? {Oo} Purihin ang Diyos. Tumayo tayo para sa pangwakas na panalangin.
Aking Ama sa langit, lubos akong nagpapasalamat sa mahalagang, mapangangalaga, at balanseng katotohanan. Nagpapasalamat ako na sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu ng Katotohanan ay maaari naming maunawaan ito at mapanatili sa makitid at matuwid na daan, at maprotektahan mula sa pagkahulog sa alinmang kanal. At Panginoon, alam Mo kung nasaan ang bawat isa sa amin ngayong gabi. Alam Mo kung kami ay nasa makitid at matuwid na daan o kung kami ay nasa isa sa mga kanal. Ama, may ugali kaming lokohin ang aming mga sarili sa mga bagay na ito. Tunay na ang puso ay mapanlinlang higit sa lahat ng bagay. At ang paborito nitong panlilinlang ay ang lokohin kami na isiping kami ay maayos sa aming Kristiyanong karanasan kahit maaaring hindi naman talaga. Maaaring kami ay nasa kanal ng pagka-matuwid sa sarili, o maaaring kami ay nasa kanal ng murang biyaya. Ngunit ngayong gabi ang katotohanan ay, umaasa ako, tumulong sa amin na makilala ang katotohanang iyon – kung tunay nga itong katotohanan. At idinadalangin ko lang, Ama, na kami ay magalak sa pagkakatulungang makita ang problema, dahil hindi namin maaasahang maranasan ang solusyon hanggang hindi namin nakikilala ang aming problema. Kaya tulungan Mo kaming huwag mainis na maihayag sa amin ng laser na liwanag ng katotohanan ang anumang kailangang maihayag… dahil kami ngayon ay nasa posisyon na tumakbo kay Cristo at tanggapin ang Kanyang kapatawaran at Kanyang tagumpay. O Ama, nagpapasalamat ako na sa krus ay nakikita namin ang aming kailangan, hindi lamang para maalis ang kahatulan, kundi nakikita rin namin ang kailangan namin para mapalaya mula sa kontrol ng kasalanan sa aming mga buhay. Salamat sa dugo na nag-aasikaso sa parusa, at salamat sa tubig na tumutulong sa amin na madaig ang kapangyarihan ng kasalanan. At Ama, idinadalangin ko na tulungan Mo kaming mapabilang sa mga sa pamamagitan ng isang handog ay perpekto magpakailanman dahil kami, para sa pag-ibig ni Cristo, at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, ay determinadong manatili sa proseso ng pagpapabanal, pagiging banal. Tulungan Mo kami Ama, na panatilihing nakatuon ang aming mga mata kay Jesus. Tulungan Mo kaming huwag panghinaan ng loob kapag nakikita naming kahit ang aming pinakamabuti ay hindi perpekto at kulang pa rin. Tulungan Mo kaming magtiwala sa Kanya at maunawaan na pinipili Mong makita kami hindi sa aming mga sarili, kundi kung paano kami kay Cristo. At salamat na kahit kami ay sa pamamagitan ng biyaya ay maging mga buong buwan, na nagniningning sa kabuuan ng aming kakayahang napinsala ng kasalanan, hindi kami nakikita bilang mahina lamang na repleksyon, na siyang kami sa aming sarili, kundi kami ay nakikita Mo bilang nakatago sa likod ng “Araw” – walang hanggang, walang hanggang maningning at matuwid sa Iyong paningin. O Ama, sa ganitong uri ng kaayusan, sa ganitong uri ng probisyon, wala kaming dahilan para panghinaan ng loob. Maaari kaming magalak sa pagtanggap na sa amin at lumago sa kabanalan, sa wangis ni Cristo, para sa pag-ibig ni Cristo at sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu. Turuan Mo kami, mangyari, turuan Mo kaming gawin ito ay aming dalangin sa pangalan ni Jesus at alang-alang sa Kanya, amen.
Maaari kang mag-scroll sa teksto sa kahon sa tabi ng video upang sundin ang aralin habang pinapanood ang video. Kung mawala ka, gamitin ang CTRL-F upang maghanap ng mga salita mula sa mga subtitle.

Leave A Comment